Humina at naging low pressure area (LPA) na lamang ang tropical depression ‘Ambo’ matapos itong mag-landfall sa Dinalungan, Aurora, kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tinanggal na rin nila ang mga warning signal ng bagyo.

Gayunman, binalaan pa rin ng ahensiya ang publiko dahil magdadala pa rin ang LPA ng malakas na ulan sa malaking bahagi ng Northern at Central Luzon, Rizal at Quezon.

Inalerto rin ang mga residente sa lugar sa posibleng flashfloods at landslide.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa sa PAGASA, apektado rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Cavite, Laguna at Batangas. (Rommel P. Tabbad)