Maine at Alden nang bisitahin si_PLEASE CROP OUT THE KID PATIENT copy

KAHIT too busy na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa promo ng Imagine You & Me, ang first solo movie ng kanilang love team, at tuloy pa rin ang pictorials and TV commercial shoots, hindi pa rin sila nakakalimot na pagbigyan ang requests lalo na ng mga maysakit.

Noong Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga, dumiretso ang AlDub love team sa Philippine Children’s Medical Center para tuparin ang pangako kay Jhomel na anak ni Rommel Molina, na dadalawin nila tulad ng wish nito.

Matagal nang may sakit si Jhomel na laging humihiling na gusto niyang makita sina Alden at Maine. Sa Instagram nag-post si Rommel ng pakiusap niya at hindi niya akalain na pagbibigyan ang kahilingan ng anak niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Agad ding nag-post si Rommel ng pasasalamat sa pagdalaw nina Alden at Maine. 

“Sobra pong ikinagulat namin at ng anak ko ang pagdalaw ninyo sa kanya. Wala pong katumbas na kaligayahan ang naibigay n’yo sa aming nag-iisang anak. Alam kong super busy kayo pero naisingit n’yo ang pagdalaw sa aming anak. Kami po ng aking asawa ay lubos na nagpapasalamat at napaunlakan n’yo ang aming munting hiling. More power sa Eat Bulaga. Kina Alden Richards at Maine Mendoza, sana marami pa kayong mapasaya at matulungan. God bless. Thank you.”

Pinasaya nina Maine at Alden si Jhomel na dinalhan pa nila ng malaking teddy bear.

Samantala, konting updates sa AlDub, marami ang nagtatanong kung kailan mabibili ang first single ni Maine na theme song ng Imagine You & Me. Kahit daw sa iTunes hinahanap nila para mai-download, pero wala. 

Nitong nakaraang Sabado, ini-announce na magiging cover ng isang business and lifestyle magazine sina Alden at Maine, kasama ang TAPE, Inc. head na si Mr. Tony Tuviera. Tinaguriang Social Media’s Star Brands ang AlDub. Lalabas ang magazine in time sa first anniversary ng love team nila sa July 16.

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na sina Alden at Maine sa lahat ng fans and supporters na may mga schedule na ng block screenings, simula pa sa July 13, na kasabay ng opening ng kanilang movie in cinemas nationwide. Manonood daw muna sila sa regular screening bago sila tutuloy sa kanilang block screening. Maging ang Team Abroad ay may schedules na rin ng block screening na pinamamahalaan din ng APT Entertainment, Inc. (NORA CALDERON)