KALIBO, Aklan - Aabot sa 154 na pamilyang magsasaka ang nanganganib na mawalan ng bahay dahil umano sa pagpapalawak sa Kalibo International Airport (KIA).
Ayon sa mga magsasaka, balak ng Department of Transportation and Communication (DoTC) na bilhin ang kanilang lupain sa halagang P800 per square meters, ngunit ipinaglalaban nila sa Kalibo Regional Trial Court na mabili ang kanilang mga lupain ng P5,000 per square meters.
Sinabi ng mga magsasaka na wala silang magagawa kapag binalak ng gobyerno na palawakin sa 500 ektarya ang paliparan.
Apela nila, bigyan sila ng relokasyon at alternatibong hanapbuhay kapalit ng mga sakahan at bahayan nilang sisirain ng proyekto. (Jun N. Aguirre)