Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Pinoy household service worker (HSW) at caregiver laban sa mga illegal recruiter na nag-aalok ng pekeng trabaho sa Japan.

Ito ay matapos maglabas ng advisory si POEA Administrator Hans Cacdac dahil sa mga natanggap na reklamo ng ahensiya hinggil sa isang website na ginagamit ang pangalan ng recruitment agency na Corinth Global Services upang mag-alok ng mga job order sa Japan.

“Corinth Global has no registered job order for housekeepers and caregivers in Japan. The recruitment of caregivers for Japan is only through POEA,” paliwanag ni Cacdac.

Dahil dito, pinayuhan ng POEA chief ang mga interesadong indibiduwal na beripikahin muna sa POEA kung lehitimo ang mga job order ng isang recruitment agency bago sila maghain ng aplikasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, maaaring i-check ang estado ng isang recruitment agency sa mga tanggapan ng POEA, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Labor and Employment (DoLE).

“Let us be careful against groups, which are using the names of licensed recruitment agency in conducting illegal recruitment,” giit ni Cacdac. - Samuel P. Medenilla