Mga laro ngayon (Ynares Sports Arena)

4 n.h. -- Topstar vs Phoenix

6 n.g. -- Blustar vs AMA

Itataya ng Phoenix ang malinis na marka sa pakikipagtuos sa Topstar Mindanao sa tampok na laro ng double-header ng 2016 PBA D-League Foundation Cup elimination ngayon, sa Ynares Sports Arena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang sumalang ang Accelerators laban sa kulelat na Topstar sa ganap na 4:00 ng hapon.

Bagamat masaya si coach Eric Gonzales sa kinalalagyan ng Phoenix, dismayado siya sa aniya’y kulang sa tapang na laro ng Accelerators.

“Yung good news lang is kahit paano naitatawid namin yung panalo. Pero work in progress pa rin kami and it’s something we have to work on, ‘yung fire ng players,” aniya.

Sa tampok na laro, magdudwelo naman ang  Blustar Detergent at AMA Online Education sa ganap na 6:00 ng gabi.

Mataas ang morale ng  Dragons matapos ang naitalang 89-75 panalo kontra Aguilas noong Huwebes sa Bacoor, Cavite.

Ngunit, inaasahang mapapalaban din sila sa wala pa ring panalong Titans.

Natutuwa si Blustar coach Goh Cheng Huat sa pagbabagong nakikita sa kanyang Malaysian cagers.

“Now, they have gotten over the fear of facing the Filipino players. It’s a good sign because now, they won’t get beaten easily and they are adapting to the Filipino style of play,” aniya.

“One of our main objectives coming here is to adapt to the style of play of the Filipinos that we are appreciating for a long time. It’s a good opportunity and I hope the players are getting that style of play.” - Marivic Awitan