PARA sa marami nating kababayan, sinasabing ang araw ng Miyerkules ay Simbang-Baclaran. Ngunit para sa maraming Katilikong Pilipino, ang Miyerkules ay isang ‘di pangkaraniwang araw ng panalangin at debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa ilalim ng kanyang proteksiyon bilang Mother of Perpetual Help o Ina ng Laging Saklolo na ngayong ika-27 ng Hunyo ay ginugunita at ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan. Tampok sa araw na ito ngayong umaga at mamayang hapon ang mga misa sa mga simbahan at prusisyon bilang bahagi ng kapistahan sa mga parokya ng Diocese ng Antipolo sa lalawigan ng Rizal.

Maraming milagro at tinugong panalangin ang iniuugnay sa tulong ng Ina ng Laging Saklolo na nakadambana sa Redemptorist Church sa Baclaran, Parañaque City. Sa nabanggit na shrine, libu-libong deboto ang nagtutungo upang humiling ng pagmamahal at suporta mula sa Ina. Ang ganitong pagtitiwala sa Ina ng ating Panginoong Jesus ay lantad na makikita sa mga debotong paluhod na naglalakad mula sa bukana ng simbahan patungo sa altar. Sa pagsisindi ng kandila kasabay ang panalangin para sa kanilang sarili at mga mahal sa buhay.

Ang Mahal na Ina ng Laging Saklolo ay ang tawag na ibinigay sa Byzantine icon o imahen na pinaniniwalaang ginawa noong ika-13 siglo. Ang imahen ng Mahal na Ina na karga sa kanyang bisig ang batang si Jesus. Ang orihinal na imahen ng Ina ng Laging Saklolo ay nakadambana sa Church of Saint Alphonsus sa Roma na Mother church ng Congregation of the Most Holy Redeemer na mas kilala sa tawag na Redemptorist. Hango ang pangalan ng nasabing simbahan kay San Alfonso Maria de Ligouri, isang matapat na deboto ni Maria na nagtatag ng Legion of Mary, may-akda ng “The glories of maryâ€, isang natatanging spiritual writing at nagtatag ng Kongregasyon ng mga paring Redemptorist o Redentorista.

Nang dumating ang mga Redemptorist priest sa Pilipinas noong 1906, dala nila ang isang replica ng imahen ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo. Sa kanila ipinagkatiwala ni Pope Pius XI ang orihinal na imehen at ang pagpapalaganap ng debosyon. Sa Redemptorist church sa Iloilo City noong Mayo 1946 ginawa ang tradisyon na pagnonobena, at isinagawa ni Fr. Leo English ang nobena sa Baclaran noong Hunyo 23, 1948. Taong 1958 nang opisyal na iniatas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang Redemptorist Church ang maging dambana ng Ina ng Laging Saklolo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa paniniwala ng marami nating kababayan, ang debosyon tuwing Miyerkules sa Baclaran ay itinuturing na isang hiwaga hindi lamang dahil sa napakaraming deboto ang dumadagsa sa dambana kundi dahil sa mga testimonya ng mananampalataya na ang mga panalangin ay dininig sa intercession ng ating Mahal na Ina.

Si Saint Pope John Paul II ay naging saksi sa dakilang debosyon ng mga tao sa Ina ng Laging Saklolo nang magdaos siya ng Misa sa simbahan ng Baclaran noong siya ay Cardinal pa. Nagbalik siya sa Simbahan ng Baclaran noong 1981 sa beatification ni San Lorenzo Ruiz at hinimok ang mga taong nagtipon sa shrine na lalong pagtibayin ang kanilang pananampalataya sa Diyos at debosyon sa Banal na Birheng Maria. (Clemen Bautista)