HINDI lamang tulong pang-ispiritwal at payo sa callers na may pinagdadaanan ang hatid ni Bro. Jun Banaag sa kanyang malaganap na Dr. Love Radio Show sa DZMM.

Naging panata na ni Bro. Jun at ng kanyang pilgrim friends ang pagdalaw sa mga liblib na lugar upang isagawa ang medical at dental mission para sa mga taong tila napabayaan ng ating lipunan. 

Sa July 2, ang babahaginan nila ng tulong ay ang mga katutubong Aeta sa bulubundukin ng Subic, Zambales.

Maraming callers ang nagdo-donate ng mga de-latang pagkain, slippers, educational books, mga laruan at rosaryo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang beteranang aktres na si Gina Pareño na masugid na tagasuporta ng programa ay nais ding sumama sa misyon basta’t wala siyang taping sa bagong teleseryeng Born For You.

Isa pang panata na ikinatutuwa ng avid listeners ni Dr. Love ay ang pagpapatugtog ng Christmas carol na sinisimulan niya pagsapit ng kanyang kaarawan tuwing June 23.

Good health at more blessings ang aming dalangin hindi lamang para kay Bro. Jun kundi sa Balita entertainment editor Mr. Dindo M. Balares na nagdiwang naman ng kanyang pulang araw noong June 20. --Remy Umerez

(Naks! Thank you, Remy. God bless always sa ating mga minamahal na mga mambabasa.)