Ni ADOR SALUTA

Dawn Zulueta
Dawn Zulueta
INIULAT sa Bandila ni MJ Felipe na totoo ang death threats na natatanggap ng mag-asawang Dawn Zulueta at Anton Lagdameo, Jr.

Sa katunayan, noong nakaraang Miyerkules, nagkaroon ng failed abduction sa anak nila sa eskuwelahan nito, ayon na rin sa pahayag ng kanilang legal counsel na si Atty. Rudolph Jurado.

Dahil sa tindi ng natatanggap na death threats sa pamilya, nag-decide na ang mga Lagdameo na isapubliko ito.

Human-Interest

Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang pagkakakilanlan sa unknown motor vehicle na nakitang pumarada sa tapat ng kanilang bahay noong araw ding tinukoy ang nasabing abduction attempt.

Samantala, matatandaan na noong abala sa shooting si Dawn sa Laguna para sa pelikulang Love Me Tomorrow with Piolo Pascual ay may dalawang riding-in-tandem na nagtatanong (inilabas sa social media ng ilang netizens) kung saan ang location at schedule ng shooting ng aktres.

Pinaniniwalaang nagsimula ang lahat ng pagbabanta sa buhay ng mag-asawa noong election campaign. Inakala nilang matatapos na ang death threats after election pero nakakaalarma na patuloy ang pagmamanman sa kanilang buhay.

Hindi muna magbibigay ng panayam si Dawn tungkol sa isyu at sa ngayon ay mas mahigpit ang itinalagang seguridad para sa kanilang pamilya.