Ni REGGEE BONOAN

Boy AbundaDALAWANG taon na ang nakararaan nang maospital ang King of Talk na si Boy Abunda nang magkaroon siya ng impeksiyon sa sikmura dahil sa mga iniinom niyang iba’t ibang food supplements at street foods.

Aminado si Kuya Boy na mahilig kasi siyang mag-iinom ng kung anu-anong iniaalok sa kanya tulad ng pampapayat (overweight kasi siya dati) at mahilig kumain ng isaw, kwek-kwek, at iba pa na nabibili lang sa bangketa.

Abut-abot ang pasasalamat ng Tonight With Boy Abunda host nang malampasan niya ang pagsubok na iyon at muling nabawi ang kanyang dating kalusugan, kaya nangako siya sa sarili na ititigil na ang lahat ng dahilan ng pagkakasakit niya.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ngayon, ang bawat supplement na iniaalok sa kanya ay idinadaan muna niya kanyang personal doctor at kaibigang gastrointestinal-endoscopy especialist na si Dr. Dennis Ngo ng UST Hospital at isa rin sa bottomliners ng The Bottomline.

Ito ang pagtatapat ni Kuya Boy sa launching ng iniendorso niyang Tocoma (Total Colon Management fiber-rich herbal supplement) mula sa Healol Pharmaceuticals ng Malaysia nitong nakaraang Huwebes ng gabi sa Luxent Hotel.

“I got hospitalized two years ago, I’ve been very careful about the supplements that I take. So what I did, I asked my doctor, Dennis Ngo, kung safe, and he said go.”

Sinuring mabuti ni Dr. Dennis ang produkto kaya natagalagan ang pagpayag ni Kuya Boy sa alok ng Tocoma. Nu’ng sabihin ni Dr. Dennis na safe itong gamitin to prevent colon cancer at para maging regular din ang vowel movement, sinubukan na niya.

At nang mapatunayan ang magandang epekto sa kanyang katawan, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Kuya Boy.

Pero hiniling niya na hindi lang siya magiging endorser kundi gusto niyang maging partner ng Tocoma.

“To be very honest, I am willing to endorse Tocoma and I wanna do more, I want to be a partner, I wanna go all around the country not just selling or marketing the product but will talk about health risks of colon cancer and the benefits of a healthy lifestyle,” kuwento ni Kuya Boy.

Aniya, Tocoma ang sagot sa mga taong may problema sa vowel movement at available na ito sa Generika Farmacia (iniendorso rin ni Boy) at affordable ang presyo.

Samantala, nabanggit ni Kuya Boy na pauwi na si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby ng Pilipinas at hindi lang niya alam kung ngayong araw (Lunes) o kahapon (Linggo). 

“Kausap ko kanina, she’s coming home, I think over the weekend, hindi ko lang alam kung anong eksaktong araw, Sabado, Linggo, Lunes, but she’s coming home,” kuwento ng King of Talk.

Ano ang bagong show ng Queen of All Media sa ABS-CBN?

“I am not in a position to discuss that, pero I know ABS-CBN and Kris are talking about a possible show or shows.

“Klaro naman ‘yun from the beginning kapag bumalik si Kris, sa pagkakaalam ko, ha, ‘pag siya’y nagdesisyong bumalik, sila’y uupo ng ABS-CBN (management), kung ano ang palabas na puwede nilang gawin, together,” sagot ni Kuya Boy.

May tsika noon na humiling daw ng 5-year contract si Kris sa ABS-CBN na hindi naman ibinigay ng network kaya raw hindi pa nag-renew ng kontrata ang TV host.

“’Yan ang hindi ko alam. ‘Yun, it’s unlikely that an artist would go to a network in my opinion and say, ‘gusto ko ng limang taon.’  A contract is a mutual agreement between the network and the artist. Pinag-uusapan ‘yun.

“Pati ‘yung length ng contract, cost of contract.  I’m not privy to that discussion, but sa pagkakaalam ko when we sit down for negotiation, pinag-uusapan ‘yun, ano ba ang deliver ng both parties involved,” pahayag sa amin.

Walang pinag-usapang tungkol sa business sina Boy at Kris.

“Alam mo naman si Kris, she tells what she sees, ganito pala ang obserbasyon niya sa tao, ganito, ganyan, mga bagay-bagay na pinag-uusapan ng magkaibigan.”

Tinanong din namin si Kuya Boy kung may plano silang magpakasal ng long time partner niyang si Bong Quintana ngayong nagkakasunud-sunod ang gay celebrities na nagpapakasal, katulad ng Born For You director na si Onat Diaz sa non-showbiz boyfriend nito last week.

“Imbitado ako ro’n, sa Central Park (Manhattan, New York City), yes, I’m so happy. Tinanong ko si Bong, umayaw.

“Look, we’ve been living together for 33 years. Sabi ko lang, ‘Ikaw ba naisip mo ba? Is there a possibility?’ You know what, he is averse to the formality of the ceremony, ‘yung lakad.

“Pero you know in his heart, he would go to the legal aspect of the ceremony,” pahayag ng TWBA host.