Ni ROMMEL P. TABBAD

Naitala na ang unang bagyong pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong taon.

Sa weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pinangalanang ‘Ambo’ang low pressure area (LPA) na huling namataan sa silangan ng Borongan City sa Samar.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA kahapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 182 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at inaasahang kikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Itinaas na ang Public Storm Warning Signal No. 1 sa pitong lugar, kabilang ang Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Quezon, gayundin ang Polillo Islands, Aurora, at Quirino.

Inaasahan itong magdadala ng malakas na ulan sa Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region sa loob ng 24 oras.

Kung hindi magbabago ang direksiyon nito, magla-landfall ang Ambo sa Aurora ngayong Lunes.