MOSCOW (AP) — Ipinahayag ni Russian sports minister Vitaly Mutko na may kabuang 67 atleta ang nagsumite ng “request letter” na malibre sila sa ipinataw ‘banned’ ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) laban sa Russian athletics team para makalahok sa Rio Games.

Kamakailan, kinatigan ng IAAF ang naging rekomendasyon na i-banned ang Russian track and field team bunsod ng pagkakasangkot sa droga.

Ngunit, libre umanong lumaro sa quadrennial Games ang mga Russian athlete na nagsanay sa labas ng bansa at makapagsusumite ng maayos na doping result.

Ayon kay Mutko sa panayam ng Russia’s Match TV nitong Sabado, ang 67 atleta ay kumilos ng kani-kanilang istilo, ngunit iginiit na tuloy pa rin ang kanilang pag-apela sa naturang desisyon sa Court of Arbitration for Sport.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tumanggi naman siyang pangalanan ang mga naturang atleta.

“For me it would be a real failure if the whole team is banned,” ayon kay Murko.