Labing-apat na katao ang bumagsak sa kamay ng Manila Police District (MPD)-Ermita sa ikinasang “One-Time, Big-Time” operation laban sa mga sangkot sa ilegal na droga sa Baseco Compound sa Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa police report, nabawi ng awtoridad mula sa mga suspek ang 13 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P25,000 at sari-saring drug paraphernalia sa anti-drug operation sa Barangay 649, Baseco Compound, na kilalang pinagkukutaan ng mga addict at pusher.

Sinabi ni Senior Insp. Dave Garcia, hepe ng MPD Station Anti-Illegal Drugs, na natiyempuhan ng kanyang mga tauhan na naglalaro ang mga suspek ng cara y cruz nang magsagawa ng operasyon sa lugar.

Nang makita ng mga tambay ang mga paparating na pulis ay biglang nagtakbuhan ang mga ito kaya hinabol sila ng mga operatiba bago nakorner sa iba’t ibang lugar sa Baseco.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Bukod sa ilegal na droga, nabawi rin ng pulisya sa isa sa mga suspek ang isang .22 caliber revolver at mga bala. - Argyll Cyrus B. Geducos