Ina

GRABE ang torture scene ni Rita Avila sa kamay ni Ina Feleo sa Afternoon Prime na Hanggang Makita Kang Muli, parang totohanan ang mga eksena. Lalong magagalit ang viewers kay Odessa (Ina) sa pagpapahirap niya kay Rita.

Sobrang affected ang viewers sa kasamaan ni Ina, may naha-high blood, may napapamura at minumura siya sa Instagram.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

May naglilipat muna ng channel ‘pag nagwawala na ang karakter ni Ina.

Sa torture scene ni Rita na ipinalabas ‘pag malapit na ang ending ng teleserye, babawi si Rita nang duraan niya si Ina. Na-take two ang eksenang ‘yun dahil hindi pumayag si Direk Laurice Guillen na konti lang ang idudura niya.

“Pinainom ako ni Direk Laurice ng maraming tubig at saka inulit ang eksena. Ayun, marami akong naidura kay Ina, kaya lang lasang lemon dahil lemon water ang baon ko sa taping. After the scene, nagtanong si Ina kung bakit maasim ang nalasahan niya, naloka siya nang malamang lemon water ‘yun,” kuwento ni Rita.

Hanggang second week na lang ng July eere ang Hanggang Makita Kang Muli at natutuwa si Rita dahil hindi siya na-award ni Direk Laurice. Minsan lang siyang napagsabihan dahil sa blocking at hindi dahil kinulang siya sa acting.

By the way, masayang ibinalita ni Rita na matutuloy na ang plano na gawing musical play ang children’s book niyang Invisible Wings. Sina Harlene Bautista at Peter Serrano ang producers, si Tux Rutaquio ang director at music ni Jed Balsamo. Gagawin ito sa English at Tagalog version at mapapanod sa St. Scholastica’s College sa July 18-28.

(Nitz Miralles)