BAYAMBANG, Pangasinan - Nababahala ngayon ang maraming magsasaka matapos na mapinsala ang daan-daang libong ektarya ng taniman ng sibuyas, dahil sa pag-atake ng army worms.

Sa ulat nitong weekend, naalarma ang mga magsisibuyas sa posibilidad na lumala ang pinsala at lumaki ang pagkalugi sa sibuyas.

Kaugnay nito, nanawagan sila sa gobyerno na matulungan sila sa kanilang kabuhayan.

Hindi pa naman nakapagbibigay ng estimate ang sektor ng agrikultura sa halaga ng tanim na napinsala ng mga peste. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling