Tinanghal na back-to-back Zumba marathon queen si Aisa Marie Salazar, habang naiuwi ni Zenaida Najal ang korona sa seniors category sa pagsasagawa ng Family Games at the Park na parte sa selebrasyon ng Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t Saya sa Parke kahapon, sa Kawit, Cavite.

Natipon ni Salazar, nag reyna sa unang pagsasagawa ng kinagigiliwang dalawang oras na tuluy-tuloy na sayawan, ang pinakamataas na puntos upang talunin sina Leila Caneso na ikalawa at Genalyn Ordonez na ikatlo sa 18 to 45 years old.

Iniuwi ng kampeon ang premyong P1,500 at souvenir caps, habang P1,000 at P500 sa runner-up.

Naungusan naman ni Najal sa titulo ang dating kampeon na si Dina De Dios na pumangalawa at Charis Alba na pumangatlo sa 46 to 60 category. Katulad din na premyo ang tinanggap ng tatlong nagwagi sa 424 na lumahok.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Samantala, namayani sina Femina Marysse Santos, Elsie Tampos, Ricardo Montecillo, at Harry Strauss Adalid.

Nakopo ni Santos ang korona sa women’s 18-45 age group kontra kina Jasmin Pablo at Mary Ann Miñoza, habang wagi si Tampos sa 46-60 years old kontra kina Rosemarie Durban at Eline Meyer.

Nakuha nina Montecillo, Walter Genson at Giovan Lorenzo, habang ang tatlong wagi sa 46-60 ay sina Adalid, Noel Adufina at Aries Elle. Nagwagi sa “Face of the Day” Award si Yen Hora.

May 484 ang nakibahagi sa programa kung saan 424 ang nag-zumba, 30 ang nag-chess, 20 ang nag-volleyball, anim ang nag-badminton at apat ang nag-football.

Nanaig naman sa ginawang volleyball event sa Kawit, Cavite ang Team B na pagpasan ni Christian Renfon sa Team A na pinangunahan ni Mark Kevin Manlangit. (Angie Oredo)