COCO AT NORA copy

MAY tampo raw ang mga tagahanga ni Nora Aunor sa ABS-CBN, sabi ng isang katotong Noranian. Nag-ugat ang tampo sa pagpapalabas ng pelikulang Padre de Pamilya na pinagbibidahan nina Nora at Coco Martin.

Kuwento pa sa amin ng aming kaibigang Noranian, ang naturang indie movie nina Coco at Ate Guy ay intended for theaters pero nagdesisyon daw ang Star Cinema na sa mainstream cable na TV Plus ng ABS CBN na lang ito ipalabas.

“Biro mo, ginawang special offer ng TV Plus ang pelikula ni Nora na kung saan isinama ito sa sampung pelikula na babayaran mo lang ng halagang 30 pesos. Ni hindi pa nga nila sinubukan na ipalabas ang pelikula sa mga sinehan na malay natin kumita naman dahil si Coco Martin ang leading man ni Nora,” emote pa ng kausap namin.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Pero sa totoo lang din naman, walang dapat ipagtampo ang mga tagahanga ni Nora Aunor. Dapat pa nga silang magpasalamat dahil ang hindi na sana nila mapapanood na pelikula ay masisilayan na sa wakas.

Pero hirit pa ng aming kamanunulat na true-blooded Noranian, paano naman daw ang karamihan sa mga kasama nila na walang TV plus?

Nakadagdag tampo pa rin daw sa Noranians ang super-plug daw na pagpapalabas ng pelikulang All About Her na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Angel Locsin sa Sky pay per view.

Ang naturang super blockbuster movie nina Ate Vi at Angel with Xian Lim ay babayaran ng 99 pesos at walang kasamang ibang pelikula, hindi nga naman kagaya ng pelikula ni Ate Guy na sa halagang 30 pesos lang na ibabayad mo at may libre ka pang siyam na iba pang pelikula, huh!

Well, business is business. (JIMI ESCALA)