Isang mekaniko ang nasawi matapos na madurog ang ulo makaraang magulungan ng kinukumpuning bus sa Sampaloc, Manila, nitong Sabado ng umaga.

Dead on the spot si Zandro Soria, 26, stay-in mechanic sa Dilan Liner Terminal sa 961 Dos Castillas kanto ng Florentino Street sa Sampaloc.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, nangyari ang insidente dakong 7:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Sa salaysay sa pulisya ni Francisco Ferrer, 51, kasamahang mekaniko ng biktima, nabatid na kapwa sila nasa ilalim ng bus (BVA-405) at kinukumpuni ang air bag ng dambuhalang sasakyan nang bigla na lang kumalas ang nakakalang nitong jack at madaganan ng bus ang ulo ng biktima.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagawa naman umano ni Ferrer na makagapang palabas ng bus ngunit minalas namang napuruhan at hindi na nakalabas pa ang kanyang kasamahan.

“Nasa may bandang gitna ako, tapos si Zandro nasa may malapit sa airbag. Nagulat na lang ako nang may kumalabog, tapos naipit ‘yung aking tagiliran. Kaya mabilis akong gumapang papalabas ng bus,” kuwento ni Ferrer. “Paglingon ko, nakita ko si Zandro, patay na at nadaganan ng bus ‘yung mukha. (Mary Ann Santiago)