LOS ANGELES (AP) – Walang LeBron James. Pahinga rin si Stephen Curry.

Kyrie Irving (AP photo)
Kyrie Irving (AP photo)
Wala man ang dalawang pinakamahusay at pinakasikat na player ng NBA, walang dahilan para hindi katakutan ang US basketball team sa Rio Olympics.

Kapwa tinanggap nina cross-over specialist Kyrie Irving at swingman Harrison Barnes – nagkaharap sa katatapos na NBA Finals na pinagwagian ng grupo ni Irving sa Cleveland Cavaliers – ang huling dalawang spot na inialok ng US Basketball nitong Sabado (Linggo sa Manila), para idepensa ang kampeonato sa quadrennial Games na nakatakda sa Agosto 5-21 sa Brazil.

Ang desisyon ng dalawa ay inihayag dalawang araw bago ang nakatakdang opisyal na pahayag ng US Basketball Committee sa New York. Ngunit, isang opisyal na tumangging pangalanan ang nagkumpirma sa Associated Press sa paglahok nina Irving at Barnes sa koponan na inabandona ng ilang malalaking pangalan sa NBA.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pormal nang tinanggap ang naunang 10 confirmation ng player nitong Huwebes, habang inilaan ang huling dalawang slots kina Irving at kasangga niyang si four-time MVP at LeBron James, na naunang nagpahayag na hindi na kasama sa kanyang plano ang magbalik-laro sa Olympics.

Gayunman, nananatili pa ring bukas ang pintuan ng koponan hanggang hindi pa naipapahayag ang pormal na komposisyon ng US Team.

Mabigat ang pasanin ni Irving, tinanghal na MVP noong 2014 Basketball World Cup, bunsod ng pag-atras ni two-time MVP at Golden State Warriors star Stephen Curry, gayundin nina Oklahoma Thunder guard Russell Westbrook, at Chris Paul ng Los Angeles Clippers.

Sakaling manindigan si James sa kanyang pahayag, handang ibigay ang slot kay Barnes, magiging ikatlong Warriors sa US Team na kinabibilangan din nina all-around player Draymond Green at “Splash Brothers” Kyle Thompson.

Kasama rin sa koponan sina Carmelo Anthony ng New York, sasabak sa kanyang ikaapat na Olympics; Oklahoma City’s Kevin Durant, Toronto’s Kyle Lowry at DeMar DeRozan, Indiana’s Paul George, Sacramento’s DeMarcus Cousins, Chicago’s Jimmy Butler at Clippers’ DeAndre Jordan.

Bukod kay Anthony, tanging si Durant ang may karanasan sa Olympics. Nabawasan ang pinagpipilian ng US Team nang magtamo ng injury sina James Harden, Anthony Davis, at Blake Griffin.