MADRID (AP) — Nagbago ang ihip ng hangin kay Chicago Bulls star Pau Gasol.

Ipinahayag ng two-time NBA champion at Spanish team superstar na nagpasiya siyang muling pangunahan ang Spain sa basketball competition ng Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil sa kabila ng malawakang suliranin sa Zika virus.

Ipinahayag ng 35-anyos sa panayam ng pahayagang Marca nitong Sabado (Linggo sa Manila), na handa siyang sandigan ang Spanish national team para sa kanyang ikaapat na pagsabak sa quadrennial meet.

Nauna nang naipahayag ni Gasol na nagdadalawang-isip siya na lumahok sa Rio Games bunsod ng takot sa mapinsalang Zika virus. Ngunit, kamakailan, sinabi ng Olympic silver medalist na ilalagak na lamang niya sa “fertility center” ang kanyang punla.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Batay sa pagsasaliksik ng manggagamot, ang Zika virus na nagmumula sa lamok ay naisasalin din sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ayon sa pagsusuri, ang mga sanggol na iniluwal ng ina na tinamaan ng Zika virus ay nagdudulot ng depekto sa laki ng utak at ulo.

“It’s a serious issue and it’s my duty to make people aware of it,” pahayag ni Gasol.