BEA copy

MAGPAPAPAYAT si Bea Binene ngayong tapos na ang taping niya sa Afternoon Prime na Hanggang Makita Kang Muli na pinagtambalan nila ni Derrick Monasterio.

Tumaba siya habang on going ang taping nila dahil sa mga dinadalang food ng cast sa set, kaya kahit nagda-diet, hindi pa rin niya mapigilang kumain.

Hindi na rin makapag-gym si Bea habang nagti-taping, kaya ngayong wala na silang schedule para sa show, balik-gym siya, balik alindog ang kanyang priority.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Totoo ngang tumaba ang aktres dahil nang makita namin sa last taping day, lumusog at puna ng press people, lumaki ang boobs.

Pero hanggang second week pa ng July ang airing ng Hanggang Makita Kang Muli, hindi sinabi ni Bea ang ending at kung sila ni Derrick ang ikakasal, panoorin na lang daw at magulat sa ending.

In real life, wala nang ligawang nangyari kina Bea at Derrick after ng first attempt ni Derrick, dahil “sibling zoned” na ang status nila, nagmamahalan sila bilang magkapatid, kaya libreng magpaligaw sa iba si Bea at libreng manligaw sa iba si Derrick. (NITZ MIRALLES)