Nilagdaan ni Pangulong Aquino bilang batas ang panukala na nagdedeklara sa makasaysayang Balete Pass sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya bilang isang national shrine.

Natuwa si Deputy Speaker at Nueva Vizcaya Rep. Carlos M. Padilla sa paglagda ng Pangulo sa panukala.

“We deeply appreciate that President Aquino signed into law our proposal as embodied in House Bill No. 844. It was timely as it coincided with the 71st celebration of the Battle of Balete Pass,” ani Padilla.

Mayo 10, 2016 nang pinirmahan ni Pangulong Aquino ang HB 844 bilang Republic Act 10796, na nagdedeklara sa Balete Pass bilang isang national shrine, at kikilalanin bilang Balete Pass National Shrine. (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito