MOGADISHU, Somalia (AP) – Sinalakay ng mga armadong lalaki ang isang hotel sa Somalia nitong Sabado, binihag ang ilang tao at “shooting at everyone they could see”, bago nasukol ng mga awtoridad ang mga suspek na nambabato ng granada sa pinakatutok na palapag ng gusali at tinapos ang pag-atake. Nasa 14 na katao ang nasawi at siyam ang sugatan.

Inako ng Islamic extremist group na al-Shabab ang huli sa serye ng mga pagsalakay sa hotel sa Mogadishu, na nitong huli ay sinimulan sa pagpapasabog sa entrance.

Ayon sa pulisya, dalawa sa apat na suspek ay namatay.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina