Mga laro sa Lunes

(Ynares Sports Arena)

4 n.h. – Topstar vs Phoenix

6 n.g. -- Blustar vs AMA

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginapi ng Racal ang Tanduay, 96-90, para patatagin ang kampanya sa 2016 PBA D-League Foundation Cup nitong Huwebes ng hapon, sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Naisalpak ni Kyle Neypes ang three-pointer, may 58.1 segundo ang nalalabi, para ibigay sa Tile Masters ang 92-88 bentahe.

Nadugtungan ang agwat ng Racal sa fast break lay-up ni Raphael Banal mula sa sablay na tira ng Rhum Masters.

"I was disappointed because we got complacent and allowed them to get back in the game," pahayag ni Racal coach Caloy Garcia kaugnay sa nalusaw na 37-18 bentahe ng Tile Masters sa first half.

"Luckily in the end, we made the right decision. It was a good win for us and we needed a win like this,” aniya.

Pinamunuan ni dating St.Benilde standout Jonathan Grey ang nasabing panalo ng Tile Masters sa itinala nitong 18 puntos, kasunod si Banal na may 16 na puntos.

Dahil sa panalo, sumalo ang Racal sa defending champion Café France sa ikalawang puwesto taglay ang barahang 4-1.

Nalaglag naman ang Rhum Masters na pinamunuan ni Val Acuña na may 17 puntos sa 3-2.

Sa unang laban, nagwagi ang Blustar Detergent kontra Topstar ZC Mindanao, 89-75, para tapusin ang losing skid sa apat. (Marivic Awitan)