Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na namuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa weather advisory ng PAGASA, nasa layong 530 kilometro, kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro, ang naturang LPA.

Ayon sa PAGASA, tinatahak nito ang pa-kanlurang direksiyon kaya papalayo ito sa bansa at posibleng hindi na tatama sa kalupaan.

Napapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at pag-iibayuhin ang habagat na magpapaulan sa Visayas at Mindanao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nilinaw ng PAGASA na malabong maging ganap na bagyo ang nabanggit na LPA. (Rommel P. Tabbad)