BRUSSELS (Reuters) - Determinado ang European Union leaders na mapanatili ang kapayapaan sa EU matapos piliin ng Britain na lisanin ang 28-nation bloc, sinabi kahapon ng chairman na si Donald Tusk.
“What doesn’t kill you, makes you stronger,” pahayag ni Tusk sa mga mamamahayag. “I want to reassure everyone that we are prepared also for this negative scenario.”
Ayon kay Tusk, walang paraan para mahulaan ang lahat ng kahihinatnan ng pagboto, lalo na sa Britain, ngunit hindi ito dahilan para sa “hysterical reactions.”
“I have offered the leaders an informal meeting of the 27 in the margins of the European Council summit,” pahayag ni Tusk. “And I will also propose to the leaders that we start a wider reflection on the future of our Union.”