Pinagtibay ng Sandiganbayan First Division ang paghahain ng kasong graft laban kay re-elected North Cotabato Governor Emmylou Talino-Mendoza kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng P2.3-milyon halaga ng petrolyo mula sa gasolinahan na pag-aari ng kanyang ina noong 2013.

“This Court has found that there is indeed probable cause to hold the accused for trial for violation of Section 3(e) of R.A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act),” nakasaad sa pitong-pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Reynaldo Cruz at kinatigan nina Chairman Efren dela Cruz at Associate Justice Frederick Musngi.

Ito ay matapos soplahin ng anti-graft court ang mosyon na isinumite ni Mendoza para sa judicial determination of probable cause na humihiling sa korte na ibasura ang tatlong bilang ng graft na inihain laban sa kanya.

(Jeffrey G. Damicog)

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'