Magkasama sa pangunguna sina Grandmaster Jayson Gonzales at International Master Chito Garma, habang apat naman ang magkakasalo sa unahan sa kababaihan matapos ang apat na round sa 2016 National Chess Championships-Battle of Grandmasters, sa PSC Athletes Dining Hall sa Vito Cruz, Manila.

Bahagyang nabahiran ng kalungkutan ang ginaganap na torneo matapos ang ulat na pagkamatay ng 22-anyos na anak ni International Master Emmanuel Senador na si Kessee Senador dahil sa meningitis.

Bitbit nina Gonzales at Garma ang anim na puntos base sa Bilbao Scoring System na ipinangreresolba sa bawat laban kung saan ang panalo ay may 2 puntos, ang draw ay 1 puntos at zero sa matatalo.

Huling tinalo ni Gonzales, executive director ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) , ang kapwa GM na si Rogelio Barcenilla sa 65 moves ng English Opening, habang binigo ni Garma sa 38 moves si NM Emmanuel Emperado.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magkakasalo rin sa anim na puntos ang mga WIM na sina Bernadette Galas, Janelle Mae Frayna at Jan Jodilyn Fronda at si WNM Christy Lamiel Bernales matapos ang apat na round.

Huling naputol ang tatlong sunod na pagwawagi ni Fronda matapos ma-upset ni Bernales sa NImzo-Indian opening sa loob ng 42 moves sa kababaihan.

Itinala ni Woman National Master Mikee Charlene Suede ang pangalawang upset win kontra kay Frayna upang mapabilang sa four-way-tie para sa liderato. (Angie Oredo)