HAVANA/BOGOTA (Reuters) – Lumagda ang gobyerno ng Colombia at ang rebeldeng FARC sa makasaysayang ceasefire deal nitong Huwebes na nagresulta sa hinahangad na wakas ng pinakamatagal na labanan sa America.

Ang kasunduan, nabuo matapos ang tatlong taong peace talks sa Cuba, ay nagbunsod ng mga pagdiriwang at luha ng kasiyahan sa ilan sa kabisera ng Colombia. Binigyang-daan nito ang final deal upang wakasan ang guerrilla war na nagsimula noong 1960s, dahil sa pagkadismaya sa matinding socio-economic inequalities na tumagal kaysa alinmang matitinding pag-aaklas sa Latin America.

“May this be the last day of the war,” sinabi ni FARC commander Rodrigo Londono, mas kilala sa alyas na Timochenko, habang garalgal ang boses matapos makipagkamay kay Colombian President Juan Manuel Santos sa isang seremonya sa Havana.

Nangangalahati na si Santos, 64, sa kanyang ikalawang termino at isinugal ang kanyang legacy sa kapayapaan sa harap ng pagtutol ng mga sektor sa bansa na naniniwalang dapat na durugin ng militar ang FARC.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“This means nothing more and nothing less than the end of the FARC as an armed group,” sabi ni Santos, idinagdag na lalagdaan ang pinal na kasunduang pangkapayapaan sa Colombia.