UMINGAN, Pangasinan - Nahaharap ngayon sa dalawang kaso ang isang tauhan ng Philippine Marines at kasama nito matapos umano silang mambugbog.

Kinasuhan na kahapon ng frustrated homicide at illegal possession of firearms sina Cpl Resmen Firmalino, 31, may asawa, aktibo sa Philippine Marines, at residente ng Barangay Caurdanetaan, Umingan; at Gemboy Ganafe, 36, may asawa, ng Bgy. Poblacion.

Nauna rito, nirespondehan ng pulisya ang pambubugbog ng mga suspek nitong Hunyo 20, dakong 6:30 ng gabi, kay Jose Pariñas, 59, ng Bgy. Annam sa Umingan.

Nakuha mula kay Firmalino ang isang .45 caliber pistol, at isang stainless magazine na kargado ng pitong bala na walang mga balidong dokumento.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakadetine na sina Firmalino at Ganafe. (Liezle Basa Iñigo)