Iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang kaso ng nawawalang P90 milyon mula sa pondo ng lokal na pamahalaan ng Laoag City sa Ilocos Norte.

Ito ay matapos ihayag ni Atty. Marlon Wayne Manuel, ng Legal Department ng Laoag City, na hihilingin niya sa Ombudsman na kanselahin ang pasaporte ni City Treasurer Elena Asuncion.

Aniya, kapag natapos na ang imbestigasyon sa usapin ay agad nilang kakasuhan si Asuncion at ang mga kasabwat nito sa nabanggit na anomalya.

Napaulat na agad na lumabas ng bansa si Asuncion nitong Hunyo 14 patungong Hawaii, at napaulat na nagtatago ngayon sa Colorado sa Amerika.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Manuel na kapag nakansela na ang pasaporte ni Asuncion ay hindi na ito makaaalis sa lugar na pinagtataguan nito ngayon.

Nadiskubre ang anomalya matapos na matuklasan ng Accounting Department ng pamahalaang lungsod na hindi naideposito sa mga account ng Laoag City ang mga tseke nito. (Rommel P. Tabbad)