Bumisita si President Joko Widodo sa malayong kapuluan ng Indonesia sakay ng warship noong Huwebes sa hayagang pagpapakita ng puwersa matapos ang girian sa mga barko ng China at sa pagtindi ng pangamba na hinahangad ng Beijing na angkinin ang lugar.
Pinamunuan ni Widodo ang high-level delegation na kinabibilangan ng foreign minister at armed forces chief patungo sa Natuna Islands ng Indonesia sa South China Sea, dumating sa isang navy base bago sinamahan patungo sa warship habang lumilipad ang mga fighter jet sa ibabaw at nagsasagawa ang mga barko ng navy mga maniobra sa baybayin.
Nagdaos siya ng cabinet meeting sa warship, na noong nakaraang linggo ay idinetine ang isang Chinese trawler na illegal na naglalayag sa mga tubig ng Indonesia.
Sinabi ni Security Minister Luhut Panjaitan na layunin ng ang pagbisita na magpaabot ng “clear message” na ang Indonesia ay “very serious in its effort to protect its sovereignty”.
“In the course of our history, we’ve never been this stern,” sabi ni Panjaitan, na sinamahan si Widodo sa pagbisita, sa pahayagang The Jakarta Post.
Idinagdag ni Cabinet Secretary Pramono Anung na “Natuna is Indonesian territory — that is final”.
Bumisita sa isla si Widodo matapos ang pag-init ng hamunan sa karagatan sa China ngayong taon.
Uminit ang komprontasyon sa pagitan ng Indonesian at Chinese vessels sa paligid ng Natuna, isang malayong kapuluan sa kanluran ng isla ng Borneo, simula nang maglunsad ang Jakarta ng pagtugis sa illegal fishing noong 2014. (AFP)