Hong Kong [afp] copy

Naungusan ng Hong Kong ang kabisera ng Angola upang maging pinakamahal tirhan na lungsod sa mundo para sa mga expat, sinabi sa annual survey ng Mercer noong Miyerkules.

Matapos manguna sa Cost of Living report sa tatlong magkakasunod na taon, pinatabi ng Asian city ang Luanda ngayong 2016, dahil sa mas malakas na Hong Kong dollar.

Ikinukumpara ng survey ng Mercer consulting group ang halaga sa mahigit 200 bagay sa mahigit 200 lungsod, kabilang na ang pabahay, pagkain, transportasyon at entertainment.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ginamit nito ang New York bilang basehan ng pagkukumpara at sinukat ang paggalaw ng salapi laban sa dollar, na tumaas nang malaki nitong nakalipas na taon. Ang Hong Kong dollar ay nakaangkla sa greenback.

"Generally speaking, prices remained stable across the world," sabi ni Bruno Rocquemont ng Mercer France sa AFP.

Ang malakas na yen ang nagdala sa Tokyo ng anim na puwestong mas mataas upang maging world's fifth-most expensive expat destination, sa likod ng Zurich at Singapore sa pangatlo at pang-apat na puwesto, ayon sa pagkakasunod. (AFP Relax News)