Tumugon ang China sa pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na nag-aalok sa una na sumali sa magkatuwang na pagsisikap upang mapabuti ang bilateral ties.
Ang mensahe ay ipinaabot noong Miyerkules ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying sa Beijing.
Naunang sinabi ni Duterte na hindi siya makikipaghamunan ng lakas sa China at mas pipiliin na maging maganda ang ugnayan ng dalawang bansa.
Sinabi ng Chinese foreign ministry spokesperson sa isang press briefing na nais din ng Beijing na makatrabaho ang administrasyong Duterte upang mapanumbalik ang magandang relasyon ng dalawang bansa.
“We believe that it is in the fundamental interests of both China and the Philippines and in the shared anticipation of the two peoples to handle related issues properly and to bring the bilateral relations back on track of sound and stable development. The Chinese side is willing to make joint efforts toward that end with the new government of the Philippines,” sabi ni Hua. (Reuters)