YANCHENG, China (AP) - Naghanap kahapon ang mga rescuer sa silangang China ng mga nakaligtas sa buhawi at pag-ulan ng yelo na pumatay sa 98 katao sa pananalasa nito sa labas ng lungsod, winasak ang mga gusali, itinumba ang mga punongkahoy at ibinalibag ang mga sasakyan.
Nanalasa ang buhawi sa mataong lugar ng mga sakahan at pabrika malapit sa lungsod ng Yancheng sa lalawigan ng Jiangsu.
Sinabi kahapon ni Jiangsu Governor Shi Taifeng na umabot na sa 98 ang nasawi, at may 800 iba pa ang nasugatan, ayon sa China News Service. Nauna rito, sinabi ng state-run Xinhua News Agency na 200 katao ang malubhang nasugatan.