DAVAO CITY – May isang dosena ng ipinasadyang Bagong Tagalog, na bawat isa ay nagkakahalaga ng P6,500 at disenyo ng isang 42-anyos na sastre rito, ang pinagpipilian ni President-elect Rodrigo Duterte para gamitin sa kanyang inagurasyon sa Huwebes.
Sa panayam ng may akda kahapon, sinabi ni Bonie Adaza, designer sa Chardin, na bawat isa sa 12 Barong ay may naiibang disenyo ng burda na hinango sa patterns ng pambihirang kasuotan ng mga tribu sa Mindanao.
“What we are preparing are customized embroidery. It has a Mindanawon touch for the reason that we will showcase where we are from and to show that we are proud Mindanawon,” ani Adaza.
Sinabi ni Adaza na simula noong 2009 ay siya na ang nagdidisenyo ng mga Barong para kay Duterte ngunit ito ang unang pagkakataon na gumamit siya ng kulturang etniko ng Mindanao sa kanyang disenyo.
Tiniyak na papasa ang disenyo sa kasimplehan ni Duterte, sinabi ni Adaza na inabot siya ng isang araw sa pagdidisenyo sa bawat sa isa sa mga Barong, sa tulong ng kapwa niya designer na si Chard Pulache.
Sa press conference nitong Miyerkules, sinabi ng kampo ni Duterte—na kilala sa pagtangging magsuot ng bongga at makakating damit—na ayaw ng susunod na Pangulo na may anumang matingkad na kulay sa kanyang Barong.
Kaya naman ang ginamit na tela para sa Bayong ay synthetic fiber jusi, habang purong cotton naman ang pantalon ng 72-anyos na alkalde ng Davao City sa nakalipas na 22 taon.
Anim sa 12 pares ng Barong ang nai-deliver na kay Duterte, habang tinatapos pa ang anim na iba pa, ayon kay Adaza.
Una nang sinabi ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na maikling sandali lang ang magiging paghaharap nina Duterte at Pangulong Aquino sa Huwebes, at ang seremonya ay magsisimula ng 10:00 ng umaga.
Matapos manumpa sa tungkulin dakong tanghali sa Rizal Hall ng Malacañang Palace, inaasahang magtatalumpati si Duterte at pagkatapos ay pangungunahan ang mass oath taking ng mga miyembro ng kanyang Gabinete at haharapin ang mga kasapi ng diplomatic community, ayon kay Andanar. (Antonio L. Colina IV)