NGAYON ang ika-445 anibersaryo ng pagkakatatag ng kabisera ng bansa, ang Maynila. Sisimulan ang maghapong selebrasyon sa isang Misa ng Pasasalamat, na susundan ng pag-aalay ng bulaklak sa San Agustin Church at sa monumento ni Rajah Sulayman.

Tampok sa pagdiriwang ngayong taon ang pinakamalaki at pinakaenggrandeng photo exhibit na inilunsad nitong Hunyo 20 sa isang seremonya na pinangunahan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Tinawag na Nostalya Maynila, pangunahing tampok sa photo exhibit sa Baywalk sa Roxas Boulevard ang makulay na kasaysaysan at mayamang kultura ng siyudad.

Magtatapos ang maghapong selebrasyon sa Miss Manila Coronation Night.

Matatagpuan ang Maynila sa silangang baybayin ng Manila Bay. Nasa hangganan ng siyudad sa hilaga ang mga lungsod ng Caloocan at Navotas, nasa hilaga-silangan ang Quezon City, nasa silangan ang mga siyudad ng Mandaluyong at San Juan, sa timog-silangan naroon ang Makati City, at nasa katimugan ang Pasay City. Binubuo ang Maynila ng 16 na distrito:

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

ang Binondo, Ermita, Intramuros, Malate, Paco, Pandacan, Port Area, Quiapo, Sampaloc, San Andres, San Miguel, San Nicolas, Santa Ana, Santa Cruz, Santa Mesa, at Tondo. Isa ito sa 17 lungsod na bumubuo sa Metro Manila, ang National Capital Region ng Pilipinas.

Noong 2012, naitala sa Globalization and World Cities Research Network ang Maynila bilang isang pandaigdigang siyudad. Taong 2015 nang tanggapin nito ang Most Competitive City Award mula sa National Competitiveness Council of the Philippines, sa 3rd Regional Competitiveness Summit na idinaos sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Pagkatapos ng Battle of Bangkusay Channel noong Hunyo 3, 1571, itinatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang pamahalaan ng munisipalidad ng Maynila noong Hunyo 24, 1571. Ang Maynila ang naging kabisera ng buong kolonya ng Spanish East Indies at kalaunan ay naging kabisera ng Pilipinas. Ito ang sentro ng aktibidad ng Espanya sa Far East at nagsilbi bilang isa sa dulo ng ruta ng Manila-Acapulco Galleon trade na nag-ugnay sa Spanish America sa Asia. Pinaniniwalaang ang salitang Maynila ay hango sa dalawang salitang Tagalog; “may”, na nangangahulugang mayroon, at “nilad”, ang pangalan ng isang halaman na tinatawag ng iba na bakawang Yamstick at orihinal na nabubuhay sa dalampasigan ng Pasig River at Manila Bay.

Ang Manila Kilometer Zero na nagsisilbing pangmarka sa distansiya ay matatagpuan sa Roxas Boulevard mula sa Monumento ni Rizal sa Rizal Park o Luneta Park. Nagsisilbi itong panimulang marka sa pagsukat sa distansiya sa mga lalawigan at siyudad sa Luzon Island at sa iba pang dako ng Pilipinas.