Nakumpleto ng 40 baguhang mambabatas noong Huwebes ang apat na araw na Executive Course on Legislation, sa pag-asang makapagpasa ng mga batas na magpapabuti sa socio-economic condition ng kanilang mga constituent, at mapangalagaan at maprotektahan ang mga karapatang pantao.

Nangako ang actor-turned-Manila Rep.-elect na si John Marvin “Yul Servo” Nieto, kabilang sa mga nagtapos, na mas sasanayin pa ang sarili sa proseso ng paggawa ng mga batas para sa kapakinabangan ng mahihirap.

Sinabi naman ni Ilocos Sur Rep.-elect Deogracias Victor “DV” Savellano, sinamahan ng asawang aktres na si Dina Bonnevie, na muli niyang ihahain ang panukalang batas na nagdedeklara sa kanyang distrito bilang isang economic zone.

“The executive course is a very helpful. We have to undergo this training even though we were experienced member of the Sangguniang Panlalawigan,” sabi ni Savellano, dating vice governor. (Charissa Luci)

'It's Showtime,' pinagbabalakan nang masama; bet makuha ng iba?