AABOT sa 70,000 buto ng iba’t ibang uri ng puno ang nakahanda para itanim sa Sabado, Hunyo 25, kasabay ng pagdiriwang ng Puerto Princesa, kilala bilang “City in a Forest”, ang 26th Pista Y Ang Cagueban (Feast of the Forest) sa Sitio Impapay, Barangay Irawan, ayon sa release ng City Information Office (CIO) ng city government.

Ang mga buto ay magmumula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at sinabing ito ay handa para itanim, ayon pa sa release na natanggap ng Philippines News Agency (PNA).

Ang tema ng malawakang pagatatanim ay “Sulong Para sa Buhay-Ilang,” sa apat na ektaryang lupain sa Barangay Irawan.

Ang mga espesyal na panauhin sa Sabado ay ang mga nagwagi sa Miss Earth Philippines 2016 na pangungunahan ng nanalong kandidata na si Imelda Schweighart.