Hunyo 23, 2013 nang matagumpay na makatawid ang tightrope stuntman na si Nik Wallenda sa isang steel high wire na may taas na 1,500 talampakan mula sa ibabaw ng Little Colorado River Gorge, malapit sa Grand Canyon National Park sa Arizona. Siya ay kinilala bilang “The King of the High Wire.”

Nagawang matapos ni Wallenda, na kabilang sa “Flying Wallendas” circus family, ang stunt sa loob ng mahigit 22 minuto, na dalawang beses lamang napahinto. Ipinanalangin niya, habang walang suot na harness, na malabanan niya ang hangin. Napanood ito nang live sa Discovery Channel.

Si Wallenda ay isinilang sa Florida noong 1979, at bilang isang batang lalaki, pinag-aralan niya ang paglalakad sa kawad. Siya ay naging propesyunal sa edad na 13, at umani ng iba’t ibang Guinness World Records.

Human-Interest

75-anyos marathon runner na may suot na gula-gulanit na sapatos, kinaantigan