NAGPALITSON ng baka si Raymart Santiago sa last taping day ng Afternoon Prime na Hanggang Makita Kang Muli na pinagsaluhan ng buong cast, production staff at crew.

Sabi ng source, noong first day ng taping dapat nagpalitson pero hindi lang natuloy, kaya sa last taping day na tinupad ng aktor.

Mixed emotions, masaya at malungkot, ang lahat sa pagtatapos ng taping. Masaya dahil sa magandang samahan na nabuo at para silang isang pamilya. Malungkot dahil hindi na regular na magkikita-kita.

Aliw lang si Derrick Monasterio dahil kasama sa mami-miss ang maraming pagkain tuwing taping. Kanya-kanyang baon ang mga kasama at mahilig siyang maghingi. Pabiro tuloy niyang sinisisi ang mga kasama sa pag-gain niya ng weight. Nagda-diet daw siya, pero hindi nakatanggi nang offer-an ng orange cake na dala ni Rita Avila.

Alex Gonzaga, puwede na bang magbuntis ulit?

“Si Bea (Binene), hindi ko mami-miss dahil sure akong madalas pa rin kaming magkikita niyan. Hindi man kami magkita, magtatawagan at magti-text kami. Saka may Viber group kami rito, magkakakumustahan pa rin kami,” sabi ni Derrick.

Tapos na ang taping ng Hanggang Makita Kang Muli at sa second week ng July naman ang final airing kaya, “Magpu-focus ako sa pagpo-promote ng self-titled album ko sa mga mall show. Hindi ako maka-push nang husto sa mall show dahil sa taping, ngayon, kahit every week, puwede na akong mag-mall show,” kuwento ng binata.

Ano ang kanyang next project?

“Gusto ko sanang gawin ang remake ng isang sumikat na fantaserye at gusto ko, Mulawin. Gusto ko maging si Aguiluz (unang ginawa ni Richard Gutierrez), kaya ‘yun ang napili ko.”

Hindi nawalan ng pag-asa si Derrick na sa kanya ibibigay ang project kahit sinabi naming na baka kay Miguel Tanfelix ibigay ng GMA-7 sakaling i-remake ang Mulawin dahil ito ang gumanap bilang young Aguiluz, kapag napagdesisyunan ng network na i-remake gaya sa Encantadia. (NITZ MIRALLES)