Bagamat nanindigan ang Pilipinas sa “no-ransom policy” na mahigpit nitong ipinaiiral, walang magagawa ang gobyerno sa mga pribadong indibiduwal na nais magbayad ng ransom para sa mga kidnap victim.

Ito ang reaksiyon ni Foreign Affairs Secretary Jose Rene Almendras hinggil sa napaulat na pagbabayad ng P130 milyon ng pamilya at mga kaibigan ng apat na Malaysian na pinalaya ng Abu Sayyaf kamakailan.

“[The payment] was beyond official lines. Our policy is we cannot prevent anything,” anang kalihim.

Kumbinsido si Almendras na lahat ng opisyal ng gobyerno ay tumatalima sa nasabing polisiya kaya hindi dapat pagdudahan ang gobyerno ng Pilipinas at Malaysia na may kinalaman o sangkot ang mga ito sa pagbabayad ng ransom.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

May napapabalita umano na ang malaking ransom money ay idinaan sa sangay ng Malaysian police at ibinigay sa mga lokal na opisyal sa Sulu bago umabot sa mga bandido.

Mula sa kabuuang halaga, naiulat na P100 milyon lang ang nakarating sa Abu Sayyaf.

Abril 1 ngayong taon nang dinukot ng Abu Sayyaf, sakay sa isang speedboat, ang apat na Malaysian na lulan naman sa isang tugboat, sa Sabah.

Hunyo 7 nang palayain ng bandidong grupo ang apat na Malaysian sa Jolo, Sulu matapos ang mahabang negosasyon.

(Bella Gamotea)