rose copy

Derrick Rose, ipinamigay sa NY Knicks sa five-man trade.

NEW YORK (AP) — Minsan na siyang binansagang “next coming” ni basketball legend Michael Jordan. At hindi nagkamali ang mga tagahanga ng Chicago Bulls nang angkinin ni Derrick Rose ang MVP award matapos pangunahan ang Bulls sa playoff ng 2011 season.

Hanggang pabagalin siya ng injury at sa mga nakalipas na taon, nawala ang taglay na gilas ng hometown kid.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kabila nito, kumpiyansa ang New York Knicks at handang sumugal ang “Big Apple”.

Ipinahayag ng Knicks nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na kinuha nila ang serbisyo ng 6-foot-3 guard sa five-player trade.

Ayon kay Knicks coach Jeff Hornacek, malaki ang pangangailangan ng koponan sa point guard at kumpiyansa siyang akmang-akma si Rose sa kabila ng iniinda nitong injury.

Sa nakalipas na season, nakapaglaro si Rose sa 66 na laban at nakapagtala ng averaged 16.

4 na puntos.

“This is an exciting day for New York and our fans,” pahayag ni Hornacek.

“Derrick is one of the top point guards in the NBA who is playoff battle-tested. He adds a whole new dynamic to our roster and immediately elevates our backcourt.”

Ipinamigay ng New York sina center Robin Lopez at guard Jose Calderon at Jerian Grant, habang kasamang nakuhang kapalit si guard Justin Holiday at karapatan sa second round pick sa 2017.

“Derrick has meant a lot to this organization and to this city and to this team and has had to overcome a lot over the years with all the injuries to get back to the point he was,” pahayag ni Bulls general manager Gar Forman.

“But in putting our plan together, we felt as a first step this really made sense for us.”

“He has been through a lot with the injuries. You really have to admire how he continues to work and fight through everything that he’s been through. In moving forward, we thought the players we were getting in this deal made sense in what we’re trying to accomplish,” ayon kay Forman.

Makakasama ni Rose sa kampanya ng Knicks si five-time All-Star Carmelo Anthony at last year rookie top pick Kristaps Porzingis.

Sa Indianapolis, nagkasundo rin sa one-on-one trade ang Pacers at Atlanta Hawks nang ipamigay ng Indiana si guard George Hill kapalit ni Jeff Teague.

Wala pang pormal na pahayag ang NBA hinggil dito, ngunit kinumpirma na ito ng agent ni Hill na si Bill Neff sa Associated Press.