Naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Aquino ang Foreign Investment Liberalization Act upang maging ganap na batas.

Layunin ng House Bill 6395, inakda nina Reps. Henry Oaminal (2nd District, Misamis Occidental) at Xavier Jesus Romualdo (Lone District, Camiguin), na alisin at amyendahan ang ilang batas na naglilimita sa partisipasyon ng mga dayuhan.

Sa ilalim ng panukala, aalisin na ang lahat ng statutory laws at implementing rules and regulations na nagtatakda ng nationality requirements sa mga industriya o negosyo. Maaari na ring magmay-ari ng 100% ng kumpanya ang mga banyaga, pero i-aadjust ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang minimum paid-up levels na ginagarantiyahan ng oversight requirements. (Bert de Guzman)

Teleserye

MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?