MAY bagong discovery ang Dreamscape Entertainment na pinagbida nila agad sa Wansapanataym Presents Candy’s Crush na mapapanood na sa Linggo, Hunyo 26.

Sina Jerome Ponce at Loisa Andalio ang bagong love team na ipina-set visit ng Dreamscape sa Sampaguita Gardens noong Lunes at nakita agad ng entertainment press na may chemistry ang dalawa.

Nagkasama na sina Jerome at Loisa sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita pero si Joshua Garcia pa ang ka-love team noon ng dalagita at kuya naman niya ang una.

“Hindi ko ini-expect, ibang tao ang ini-expect ko for her,” sabi ni Jerome nang mainterbyu namin. “Nagulat ako siyempre kasi alam naman po ng lahat na siya ay 17, ako 21.”

Alex Gonzaga, puwede na bang magbuntis ulit?

Pero inamin niyang, “Noong PBB days, may paghanga. ‘Tapos, siyempre, alam kong nandiyan si Joshua (ka-loveteam ni Loisa), naging kulitan, friends. And hindi naman din po kasi ako ’yung parang nandu’n ’yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Andu’n ako sa ini-enjoy ko ’yung araw-araw kong trabaho. Heto, katrabaho ko siya, di i-enjoy-in ko lalo.”

Nagulat si Loisa sa revelation ng bagong ka-love team dahil wala siyang idea na crush siya nito, kaya ang hirit ni Jerome,“‘Yung sinabi sa ’yo dati ni Janella (Salvador)?”

Nabanggit na noon pa ni Janella kay Loisa na crush siya ni Jerome?

”Kay Janella ko lang inamin ’yun. Hayun, siguro, at least, alam na niya ngayon, so… ’yun,” sey ng binata.

Hala, kauumpisa pa lang ng taping ng Candy’s Crush, nagkaaminan na agad! Hindi na kami magugulat ‘pag nabalitang magdyowa na sina Jerome at Loisa.

Kawawang Joshua Garcia na sinasabing ka-M.U. ng dalagita. (Reggee Bonoan)