PATULOY ang paglobo ng sales volume ng mga light, medium at heavy-duty truck ng Isuzu Philippines Corporation (IPC) dahil sa malaking demand sa commercial vehicles kasabay ng paghataw ng ekonomiya ng bansa.

Base sa January-May 2016 report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), umabot sa 2,183 ang kabuuang bilang ng sales ng Isuzu commercial trucks, mas malaki ng 39.1 porsiyento kumpara sa 1,569 na naibentang unit noong kahalintulad na panahon noong 2015.

Lalo nitong pinalakas ang year-to-date sales performance ng IPC na lumobo ng 35.1 porsiyento, at umabot sa 10,818 unit mula Enero hanggang Mayo 2016 kumpara sa 8,010 sa kahalintulad na panahon noong 2015.

Lumitaw din sa naturang sales report na tumaas ng 34.1 porsiyento ngayong 2016 ang pinag-isang sales performance ng Isuzu Crosswind AUV, D-Max pickup at mu-X premium SUV, at umabot sa 8,636 unit ang naibenta sa Enero-Mayo 2016 kumpara sa 6,441 unit noong 2015.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“While Isuzu Philippines recorded a dip in demand last month compared to the previous one, our year-on-year result remains solid, easily outpacing the already robust performance of the local automotive industry. The increase in deliveries of Isuzu’s commercial trucks, which compensated for the slower movement of the light commercial vehicles, is an indication both of IPC products’ relevance to the local market and of a dynamic national economy in which the transport of goods is a vital component,” pahayag ni IPC President Hajime Koso.

Nitong Mayo 2016, umarangkada ang sales performance ng IPC ng 20.1 porsiyento makaraang umabot sa 2,021 unit ang naibenta, kumpara sa 1,614 unit noong Mayo 2015.

Umabot din ang total deliveries ng mga Isuzu LCV sa 1,561 unit nitong Mayo 2016, na kinabibilangan ng 365 unit ng Crosswind, 299 unit ng D-Max, at 897 unit ng mu-X.

Umabot din sa 284 na unit ang deliveries ng N-Series light trucks, 128 unit ng 128 F-Series medium duty truck at 48 unit ng C-Series at E-Series heavy truck nitong Mayo 2016.

Dahil sa lumalakas na sales performance, nasa ikatlong puwesto ngayon ang IPC sa commercial vehicle market ng Pilipinas. Nagtala rin ang IPC ng “highest increase in sales volume” na umabot sa 35 porsiyento para sa January-May 2016 sales performance nito. (ARIS R. ILAGAN)