LAUSANNE, Switzerland (AP) — Nagbago ang ihip ng hangin para sa Russian track and field athletes.

Ipinahayag ng International Olympic Committee (IOC) nitong Martes (Miyerkules sa Manila) na papayagan ang mga atletang kuwalipikadong sumabak sa Rio Olympics na nakatakda sa Agosto 5-21 sa ilalim ng Russian flag.

Sa kabila ng pagkatig ng IOC sa desisyon ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) na i-banned ang Russian track and field sa Rio Games bunsod ng isyu sa droga, ibinasura ng Olympic body ang rekomendasyon ng IAAF na palaruin ang mga atletang naninirahan sa abroad, gayundin ang mga negatibo sa droga sa nakalipas na mga taon na sumabak sa ilalim ng Olympic flag.

Ayon kay IOC President Thomas Bach, kung papayagan ng IAAF ang mga kuwalipikadong atleta na lumaro sa Rio kailangan dalhin nila ang bansang Russia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“If there are athletes qualified, then they will compete as members of the team of the Russian Olympic Committee because only a national Olympic committee can enter athletes to the Olympic Games,” sambit ni Bach.

Sa pagpupulong ng IOC at IAAF, iginiit din ang karapatan ng mga atletang Russian at Kenyan na sumailalim sa individual drug testing habang mas hihigpitan ang regulasyon sa mga bansang may kakulangan sa pasilidad ng doping.

“It has to be more transparent,” sambit ni Bach. “Everybody has to understand better who is doing what and who is responsible for what and this needs a full review.”