Pormal nang kabilang si weightlifter Nestor Colonia sa delegasyon ng bansa na sasabak sa Rio De Janeiro Olympics sa Agosto 5-21.

Ipinahayag ng Philippine Olympic Committee (POC) nitong Martes na natanggap ng Olympic body ang “confirmation letter” mula sa International Weightlifting Federation (IWF) kung saan kumpirmadong kuwalipikado si Colonia na sumabak sa men’s 56kg weightlifting competition sa Rio Games.

“Nestor Colonia’s confirmation as a Rio 2016 Olympic qualifier is a fitting reward for Colonia’s determined effort to be among the world’s best,” pahayag ni POC first vice president at RP delegation Chef de Mission Jose “Joey” Romasanta.

Bunsod nito, makakasama ni Colonia si Hidilyn Diaz, sasabak sa kanyang ikatlong Olympic sa delegasyon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa kanila, sigurado na sa koponan sina lightweight Rogen Ladon at featherweight Charly Suarez sa boxing, Kirstie Elaine Alora sa taekwondo, Ian Lariba sa table tennis, 400-m hurdles Eric Cray, marathoner Mary Joy Tabal at Marestella Torres-Sumang sa athletics.

Humahabol pa sa world ranking sina golfer Miguel Tabuena at Angelo Que na kasalukuyang nasa top 40. (Angie Oredo)