Isang Swedish national na akusado sa pagiging pedopilya ang nagpakamatay makaraang tumalon sa sinasakyang barko habang naglalayag sa Santa Fe sa Bantayan Island, Cebu, kahapon.

Ayon sa report ng Police Regional Office (PRO)-7, ang biktima ay kinilalang si Walter Hauck, 67, hiwalay sa kinakasama, at nakatira sa Thailand bago lumipat sa Pilipinas.

Kinasuhan si Hauck ng tatlong bilang ng anti-trafficking in person, paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) at Anti-Child Pornography sa Regional Trial Court ng Bogo City, Cebu, kaugnay ng umano’y pagmomolestiya sa limang binatilyo.

Ayon sa pahayag nina PO1 Antonio Rayco at JO1 Efren Manzanares, ng Bantayan Jail Office, sinamahan si Hauck sa hearing nito sa Bogo City at habang sakay ng barko pabalik sa piitan ay nagpaalam ang dayuhan na magbabanyo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Tinanggalan ng posas Hauck ngunit pagkatapos umihi ay bigla itong tumalon sa barko, may layong 1.8 kilometro sa daungan ng Santa Fe.

Nauntog si Hauck sa isang bahagi ng barko na naging dahilan ng pagkamatay nito. (Fer Taboy)