Nailigtas ng mga Malaysian police ang 29 na Pilipina na nabiktima ng human trafficking at isinadlak sa prostitusyon sa dalawang bar sa Bintulu, Sarawak sa Malaysia noong Hunyo 9, iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur kahapon.

Tatlong Pilipino na nagsilbing ahente ng mga nasagip na Pinay ang naaresto ng mga awtoridad.

Ayon sa mga biktima, inalok sila ng trabaho sa Malaysia ng mga indibiduwal at ahensiya at pumasok sa bansa bilang mga turista sa pangakong aayusin na lamang ang kanilang employment visa kapalit ng pera.

Nilinaw ni Ambassador J. Eduardo Malaya na sa ilalim ng Malaysian immigration law, ang social visit passes (tourist visa) ay hindi maaaring i-convert sa work visa.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

“Proper employment visas from by the Malaysian Embassy in Manila and work permits approved by the Philippine Overseas Employment Agency (POEA) in Manila are needed by any Filipino entering Malaysia for work,” paalala ng Embahada. (Bella Gamotea)