TOKYO (Reuters) – Anim katao na ang namatay at isang estudyante sa unibersidad ang nawawala noong Miyerkules sa record-breaking na pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng timog kanlurang Japan na bumabangon pa lamang mula sa lindol nitong nakaraang dalawang buwan, nagbunsod ng mga pagbaha at landslide.

Daan-daan libong katao ang pinayuhang lumikas sa malaking bahagi ng Kyushu, ang isla sa dulong timog ng Japan, kung saan 49 na katao ang namatay sa 7.3 magnitude na lindol noong Abril na nagpalambot sa lupa, iniulat ng NHK national news channel.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina